Kalunos-lunos ang apat na estudyanteng namatay dahil umano sa leptospirosis sa magkakaibang araw sa bayan ng Sta. Maria.
Sa Facebook page ng Sta. Maria National High School – Supreme Secondary Learner Government nitong Setyembre 18, kinilala ang mga nasawi na sina alyas JC, alyas Andrei, alyas PJ at alyas MD.
Sinasabing si JC ay namatay noong Setyembre 1, si Andrei noong Setyembre 13 habang si PJ noong September 2 at si MD noong Setyembre 15, taong kasalukuyan.
Ayon sa ulat ng nasabing Facebook page, binawian ng buhay ang mga estudyante sa magkakahiwalay na araw.
Nagluluksa at nagpaabot ng pakikiranay ang pamunuan ng nasabing paaralan sa mga pamilya at mahal sa buhay ng mga nasawing estudyante.
Trending
- Bangkay sa toilet , suspek timbog
- May-ari ng pet crematorium sumuko sa NBI
- Emergency room sa Ospital ng Maynila umapaw
- Misis pinagtataga ng bading, naospital
- WCM Nicolas nahasa nang todo sa Czech Republic
- Bernardino, Lalahok sa mga Torneo ng Ahedres sa Korea at Malaysia
- FIDE Master Mario Mangubat mula sa Cebu, layuning makuha ang titulong IM
- 3 tulak nadakip

