Nananatili umanong malapit si House Majority Leader at presidential son Sandro Marcos sa lahat ng kanyang mga pinsan.
Ito ay matapos siyang tanungin ni dating Presidential Adviser for Political Affairs Ronald Llamas sa isang panayam sa Prime Media, na iniuugnay kay dating House Speaker Martin Romualdez, kung sino sa kanilang pamilya ang matagal nang hindi nakikita sa mga reunion.
“Next!” biro ni Marcos.
“Mahal na mahal ko ang aking pinsan. Kahit papaano, we have always stayed close and we always will stay close… malapit ako sa lahat ng aking pinsan,” dagdag niya nang tanungin kung dumadalo pa sa mga reunion ang mga anak ng hindi pinangalanang miyembro ng kanilang pamilya.
Nang banggitin naman ni Llamas na hindi “cordial” ang relasyon nila sa kanilang tiyahin, depensa ni Marcos: “Wala akong sinabi!”

====

Share.