Sugatan ang apat katao, kabilang ang isang cancer patient nang magbanggan ang isang sports utility vehicle (SUV) at cargo van sa Malate, Maynila nitong Miyerkules.
Nangyari ang insidente sa intersection ng Taft Avenue at Malvar Street 5:30 ng madaling-araw.
Ayon sa Manila Police District, tumaob ang SUV nang mabangga ng van sa interseksyon.
Nasugatan ang driver ng SUV at tatlong pasahero ng van na agad dinala sa Philippine General Hospital para sa paggamot.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente.
Trending
- NU target ang korona sa SSL Unity Cup
- Aby magreretiro na sa paglalaro ng volleyball
- Edu, may masakit na mensahe sa mga korap
- Kim, waging Best Global Star sa SoKor
- Priscilla, sinabihang may asim pa
- 19 pagyanig naitala sa paga-alboroto ng bulkang Mayon
- DILG, hinamon si Roque ilabas ang katibayan ng asylum approval
- DFA, tumangging magbigay ng detalye sa kinaroroonan ni Zaldy Co sa France

