Dismayado ang singer at aktres na si Isay Alvarez matapos umano siyang iwanan ng malaking bayarin sa kuryente ng dating tenant.
Sa isang post sa social media, ipinakita ni Alvarez ang mataas na Meralco bill at sinabing ito ay iniwan ng dating umuupa sa kanyang bahay.
Pumalo ang babayarang halaga sa P53,091.55.
Ayon kay Isay, maingat siya sa paggamit ng kuryente sa kanilang tahanan at palagi niyang pinapatay ang mga ilaw at switch na hindi ginagamit.
Dahil dito, ikinagulat niya ang laki ng naiwan umanong bayarin.
“May shock bill ka sa #Meralco pero sa tenent mong bwisit at walang konsensya. Switch officer ako sa bahay..bawat daanang switch pinapatay tapos iiwan ka ng bill na ganito,” saad ni Alvarez sa kanyang post.
Bukod sa bayarin sa kuryente, mayroon pa rin daw na P135,000 na hindi nabayarang renta ang naturang tenant.
“May pinakita siyang 22k na online payment nya..syempre peke. May 135k siyang ‘di nabayarang rent. Naniwala ako sa mga drama at mga pangako! Haaay nakakainis,” aniya.

====

Share.