Arestado ang 42-anyos na empleyado ng lokal na pamahalaan ng Digos City sa Davao del Sur na nakumpiskahan ng P129,000 halaga ng shabu sa isang entrapment operation ng Philippine Drug Enforcement Agency 11 nitong Biyernes, July 31.
Sa mga hiwalay na ulat nitong Linggo ng mga local executives at ni Benjamin Gaspi, regional director ng Philippine Drug Enforcement Agency 11, agad na inaresto ng PDEA 11 agents at mga pulis ang lalaking suspect na nagbenta sa kanila ng shabu sa isang entrapment operation sa Purok Tugas, Barangay Zone 3 sa Digos City, ang kabisera ng Davao del Sur.
Naisagawa ang naturang matagumpay na entrapment operation sa tulong ng mga impormanteng alam ang pagbebenta ng suspect ng shabu at marijuana sa Digos City at mga karatig na bayan sa Davao del Sur.
Ilan sa mga nagsuplong sa PDEA 11 ng kanyang mga illegal na gawain ay ang kanyang mga kamag-anak at mga kapwa empleyado sa Digos City local government unit na hindi niya sinunod ang mga payo na tigilan na ang kanyang pagbebenta ng shabu at marijuana at magbagong buhay.
Ayon kay Gaspi, naikasa ng PDEA 11 agents ang entrapment operation, nagresulta sa pagkaaresto sa suspect at pagkasamsam mula sa kaniya ng P129,000 na halaga ng shabu, sa tulong ng ibat-ibang units sa Digos City ng Police Regional Office 11 at ng Davao del Sur Provincial Police Office.
Trending
- Bgy. tserman patay sa ambush
- LGU employee nakuhanan ng P129k shabu
- Pump Boat may sakay na mga guro, volunteer, at reservist, lumubog
- 2 ‘utak’ sa vlogger pinatay sa P8m utang kinasuhan na pero laya pa
- Ex-cong. at convicted rapist Romeo Jalosjos pumanaw na
- Krimen sa bansa, ‘sensational’ lang sa socmed
- Marcoleta tumangging maghain ng plea sa PD 46
- Subpoena vs Leviste, Paras ipadadala na ng NBI

