Bukod sa pagkakasibak sa serbisyo, mayroon ding pagkakakulong na posibleng kaharapin ang policewoman na may-ari ng baril na ginamit sa pamamaril ng kanyang pamangkin sa isang eskuwelahan sa Tacloban City.
Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Col. Allen Rae Co sa press briefing sa Malacañang.
Ayon kay Co, may kriminal na pananagutan ang policewoman na nakatalaga sa Police Regional Office 8 dahil lumitaw na parang nawala nito ang baril na inisyu sa kanya ng PNP.
Hindi aniya makakalusot ang policewoman sa pananagutan dahil ang baril nito ang ginamit sa isang malagim na krimen.
“Yes po, mayroon pagkakulong dito, may criminal liability po siya,” ani Co.
Sa kasong administratibo aniya ay posibleng madismis ang policewoman dahil hindi nito iningatan ang baril na ipinagkatiwala sa kanya ng gobyerno bilang isang alagad ng batas.
Trending
- P1.3-m Ismagel yosi nasamsam sa Sarangani
- Pekeng water delivery boy nagnakaw sa faculty room
- ASEAN police, bubuo ng task force vs online scam
- Ginang huli sa pagpapakalat ng bomb threat sa iskul
- Bahay ni Torre sa Davao pinasok ng baha
- P2.5m iligal na mantika nasamsam sa Batangas
- Babaeng manager patay sa ambush
- Patrolman, arestado sa panggagahasa ng 14-anyos

