Arestado ang Most Wanted Person ng Occ. Mindoro via warrant operation ganap 11:30 ng umaga noong Hunyo 14, 2026 sa Brgy. Poblacion, San Ildefonso, Bulacan.
Sa report ni PLt.Col. Gilmore A Wasin kay OIC PNP Director PCol.Jay Baybayan, kinilala ang suspek na si alyas “Sam,” 28 anyos,ng Purok Niyayos 2, Brgy. Poblacion, Calintaan, Occidental Mindoro.
Natukoy ang location sa pakikipag-ugnayan sa Calintaan Municipal Police Station ng Occidental Mindoro Police Provincial Office.
Nabatid na sangkot ang suspek sa kasong Sexual Assault sa ilalim ng Article 266-A, Paragraph (2) ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng RA 11648, kaugnay ng Article 266-B ng Revised Penal Code.
Inilabas ang nasabing warrant noong Abril 6, 2026 ng Regional Trial Court, Branch 45, Fourth Judicial Region, San Jose, Occidental Mindoro na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng P200,000.00.
Samantala detenido ngayon ang suspek sa San Ildefonso Municipal Jail, habang inihahanda ang pagbabalik ng warrat sa Regional Trial Court.
Trending
- Tubig ng Angat Dam, bahagyang tumaas dahil sa LPA
- P10.2m shabu nasamsam sa bebot sa Iligan City
- Paslit, 2 pa patay sa banggaan
- 77-anyos, patay sa kuyog ng mga bubuyog sa Leyte
- Ex-bgy. secretary binaril sa labas ng bahay
- Perjury, cyber libel cases vs Baligod, 18 ‘maleta boys’
- Defensor, Espiritu humirit ng piyansa sa plunder case
- Imee Marcos nahalal na Senate Deputy Minority Leader

