Isang sasakyang pandagat na may kargang food supplies ang nasunog noong Biyernes sa karagatan malapit sa Barangay Pangyan, Glan, Sarangani Province.
Ayon sa residenteng si Joshua Ginal delos Santos na isa sa mga tumulong sa pag-rescue, may nadamay na isa pang bangka na ginamit ng mga tutulong sana sa nasusunog na sasakyang pandagat.
Dagdag niya, nakita niilang nagsimulang umusok ang sasakyang pandagat pasado alas diyes ng umaga.
Ayon sa mga residente mula sa General Santos City ang naturang sasakyan at magdadala sana ng mga tulong sa biktima ng 7.8 magnitude na lindol na tumama sa Soccsksargen region at sa iba pang bahagi ng Mindanao noong Lunes, Hunyo 08.
Kabilang sa mga nasunog ang food packs at krudo na ihahatid sana sa bayan ng Glan.
Ligtas na naisalba ang mga sakay nito habang patuloy na inaalam ngayon ng Philippine Coast Guard PCG) ang pinagmulan ng sunog.

Share.