Naaresto ng Philippine National Police- Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang 92 na mga puganteng humaharap sa kasong may kaugnayan sa rape, sexual abuse, child abuse, at Violence Against Women and their Children (VAWC) sa isinagawang operasyon sa buong bansa simula June 1 hanggang 15.
Sa datos ng CIDG, 42 sa mga naaresto ay mula sa Luzon, 14 ang mula sa Visayas at 36 ang mula naman sa Mindanao.
Sa nasabing tala, 30 ang nakalista bilang Regional Most Wanted Persons, 29 ang Provincial Most Wanted Persons at 7 ang City o Municipal Most Wanted Persons.
Kaugnay nito, 53 sa mga naarestong indibidwal ay walang rekomendang piyansa mula sa kanilang mga kaso.
Samantala, isa sa mga mahalagang kinalabasan ng mga operasyon ay ang pagkakaaresto sa National Most Wanted Person sa Quezon Province para sa kasong qualified rape of a minor na may reward na P150,000.
Trending
- EJ Obiena nagtapos sa pang-anim na puwesto sa Wanda Diamond League
- US Open inanunsiyo na ang kabuuang premyo na ipapamahagi
- Janella Salvador napiling boses ng ‘How Far I’ll Go’ sa ‘Moana’ concert
- Francine Diaz maldita at suplada?
- SB19 concert mapapanood na sa sinehan
- Sanggol patay nang gumapang at mahulog sa irigasyon
- Bagong silang na sanggol inabandona sa ibabaw ng septic tank
- 19 arestado sa paglabag sa election gun ban sa BARMM
