Nasawi ang isang walong taong gulang na batang lalaki nang sa isang ilog sa Barangay Datu Karon habang naliligo kasama ang kanyang ama.
Batay sa paunang impormasyon, nawawala ang bata noong hapon ng Agosto 5 matapos itong biglang mawala sa paningin ng kanyang ama.
Pinaniniwalaang tinangay ito ng malakas na agos ng tubig dahil sa patuloy na pag-ulan sa lugar.
Agad na nagsagawa ng search and rescue operation ang kanyang pamilya, mga residente, at mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) upang mahanap ang bata.
Matapos ang halos isang araw na paghahanap, natagpuan at narekober ang kanyang bangkay 12:40 ng tanghali noong Agosto 6.
Idineklara siyang wala nang buhay.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy ang kabuuang pangyayari.
Samantala, muling nagpaalala ang mga awtoridad sa publiko, lalo na sa mga magulang at tagapag-alaga, na tiyaking mahigpit na nababantayan ang mga bata kapag naliligo o naglalaro malapit sa mga ilog at iba pang anyong tubig, lalo na ngayong tag-ulan kung kailan mas mapanganib ang malalakas na agos.

Share.
Exit mobile version