Umabot na sa 78 indibidwal ang naitalang nasawi sa magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa Mindanao, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ito ay batay sa pinakahuling datos ng NDRRMC nitong Huwebes, Hunyo 18, matapos ang lindol na nangyari noong Hunyo 8, kung saan natukoy ang epicenter nito sa Sarangani.

Naitala rin ang 1,339 katao na nasugatan habang 30 naman ang nawawala at patuloy na pinaghahanap.

Samantala, aabot naman sa 1.4 milyong katao o 346,413 pamilya ang naitalang apektado ng lindol mula sa 573 barangay.

Kabilang dito ang mga mula sa Zamboanga Peninsula, Davao Region, Soccsksargen, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa bilang ng mga apektado, 18,504 indibidwal ang nananatili sa mga evacuation center habang 63,351 indibidwal pa ang pansamantalang nanunuluyan sa ibang lugar. 

Share.
Exit mobile version