Natagpuang patay ang 70 manok na panabong sa isang game farm sa Calasiao, Pangasinan ayon sa ulat kahapon.
Agad namang ini-report sa pulisya ng 29-anyos na may-ari ang insidente.
Batay sa pahayag sa pulisya ng may-ari ng game farm, nangyari ang insidente ilang sandali matapos magbitiw sa trabaho ang dalawa niyang empleyado.
Upang matiyak ang ikinamatay ng mga manok, dinala ito ng may-ari sa Municipal Veterinarian’s Office.
Natuklasan umano sa pagsusuri ang mga palatandaan ng acute toxicosis na naaayon sa pinaghihinalaang pagkalason sa zinc phosphide (lason ng daga), na maaaring ipinakain sa mga manok.
Inakusahan ng may-ari na isa sa dating tauhan ay bumili ng lason sa daga na posibleng hinalo sa pagkain ng 70 manok bago sila nagbitiw.
Nagsasagawa na ng follow-up na imbestigasyon ang pulisya.
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog
