Natagpuan ang limang kabaong sa iba’t -bang bahagi ng Metro Manila nitong Biyernes, Agosto 7.
Isa sa mga kabaong, iniwan sa Boy Scout Circle sa Quezon City at natagpuan 3:00 ng madaling-araw.
Naglalaman ito ng mga larawan ng dalawang hindi pa nakikilalang indibidwal, poster na may nakasulat na “Chinese Communist Party”, “Greedy”, at “Salot”.
Kasama rin dito ang isang pulang bandilang may katagang “Chinese community”.
Batay sa CCTV, dalawang lalaki at isang babae ang dumating sakay ng puting van bago iniwan ang kabaong.
Katulad na mga kabaong ang natagpuan din sa Makati, Caloocan, at Maynila.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya kung magkakaugnay ang mga insidente at sinusuri ang mga CCTV footage at iba pang ebidensya upang matukoy ang mga responsable
Nagdulot naman ng iba’t-ibang espekulasyon sa mga netizen ang paglitaw ng kabaong sa pampublikong lugar, may nagsabing para umano ito sa China na walang tigil na nangangamkam ng islang pagmamay-ari ng Pilipinas, dahil naman rin napansin din nilang mga singkit at tila mga Tsino ang mga ito lalo na’t may kabaong ding namataan malapit sa may Chinese Consulate o Embassy sa Bel-Air, Makati, at iba pang lugar Metro Manila na may mga nakatira o ‘di kaya’y negosyong Tsino ang nagmamay-ari
Inaalam rin sa ngayon kung may CCTV bang nakahagip sa pag-iwan ng kabaong. Hinihikayat din ang sinumang may impormasyon kaugnay sa insidente na makipag-ugnayan sa mga awtoridad upang makatulong sa isinasagawang imbestigasyon.
Samantala, pinakilos na ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.,ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para masusing imbestigahan ang limang abandonadong kabaong na iniwan sa magkakahiwalay na lugar sa Metro Manila
Kasalukuyang nire-review ng NCRPO ang mga CCTV footages upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga responsable.
Iginiit ng NCRPO na hindi palalampasin ng kapulisan ang naturang insidente at tiniyak na sasampahan ng kaukulang kaso ang mga nasa likod nito kapag natapos ang imbestigasyon.
Trending
- 3 patay sa leptospirosis sa San Lazaro Hospital
- 4 wanted tiklo
- Sibilyan empleyado ng SulKud PNP patay sa ambush
- Sekyu ‘di pinasweldo, hinostage ang menor kapitbahay
- 15 guro nasagip sa rumaragasang ilog
- Pulis putol kamay sa taga ng baliw
- Mag-asawa at anak natagpuang patay sa loob ng bahay
- Janine Gutierrez umaming niloko ng boylet
