Nasawi ang limang mga kasapi ng Dawlah Islamiya ng mga sundalo at pulis sa isang encounter sa Barangay Inug-ug sa magulong bayan ng Pikit sa probinsya ng Cotabato nitong hapon ng Huwebes, August 6.
Magkahiwalay na kinumpirma ng mga local executives sa probinsya, ng mga officials ng 602nd Infantry Brigade, ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region at ng Cotabato Provincial Police Office na ang limang nasawi sa insidente — sina  Marhum Sendig Esmael, Halim Sansawi Usman, Ali Manduh Usman, Rasul Bundas Tito at Bebeh Ayunan Camsa — ay mga kilalang nalalabing miyembro ng nabuwag ng Dawlah Islamiya.
May malaking presensya ng mga nalalabi pang mga miyembro ng nabuwag ng Dawlah Islamiya terror group sa Pikit, kung saan maraming naganap na pamamaril-patay nitong nakalipas na dalawang taon, lahat hindi nalutas ng lokal na kinauukulan.
Ang limang napatay sa encounter na mga terrorists ay wanted sa multiple murder, multiple frustrated murder, extortion, armed robbery, arson at trafficking of narcotics na nakabinbin sa iba’t ibang mga korte sa Cotabato City at sa mga probinsya ng Maguindanao del Sur, sa Cotabato at saSultan Kudarat.
Sina Usman at Hassan ay parehong wanted din sa kanilang dokumentadong pagkakasangkot sa pag-ambush sa isang police patrol team sa Shariff Aguak nitong March 28 kung saan limang pulis ang nasawi at tatlong iba pa ang sugatan sa insidente.
Tinungo ng magkasanib na mga operatiba ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office at mga tropa ng ng 40th Infantry Battalion at ng 602nd Infantry Brigade ang kinaroroonan sa Barangay Inug-ug sa Pikit ng limang mga Dawlah Islamiya remnants upang hainan sana sila ng warrants of arrest ngunit kanilang pinagbabaril ng assault rifles ang mga pulis at sundalong inatasang arestuhin sila kaya nagka-engkwentro na nagresulta sa kanilang pagkamatay.
Kabilang sa mga armas na natagpuan sa tabi ng kanilang mga bangkay ang isang government property na combat rifle ng isang pulis, si Patrolman Apollo Pagurayan, na na-ambush, kasama si Patrolman Joerel Basilan Bullos, nito lang July 7 sa Barangay Tinumigues sa Lambayong sa Sultan Kudarat.
Ang napaslang na dalawang pulis parehong kasapi ng 1202nd Company ng Regional Mobile Force Battalion12 ng Police Regional Office 12.
Ayon kina Brig. Gen. Ricky Bunayog ang bagong talagang acting commander ng 6th Infantry Division, at kay Col. John Mangahis na director ng Maguindanao del Sur provincial police, ilang mga residente ng Barangay Inug-ug ang mismong nagsuplong ng presensya sa kanilang lugar ng limang teroristang napatay sa engkwentro nitong hapon ng Huwebes.  (August 7, 2026)

Share.
Exit mobile version