Arestado ang limang suspek sa isinagawang entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG Regional Field Unit 4A katuwang ang mga kinatawan mula sa Department of Trade and Industry, E-Commerce Bureau (DTI-ECB) sa Barangay San Antonio, Biñan City, Laguna kaugnay nang pagbebenta at distribusyon ng hindi rehistradong disinfectant alcohol.
Kinilala ang mga suspek sa mga alyas na Louie, Mike, Rey, Ed, at Rick, na pawang mga empleyado ng isang warehouse.
Sa ulat, nadakip ang mga suspek nang maaktuhan nagbebenta ng “DellCross Isopropyl Alcohol” na hindi nakarehistro sa Food and Drug Administration (FDA) at wala ring kaukulang permit mula naman sa Department of Trade and Industry (DTI).
Nasamsam sa nasabing operasyon ang humigit-kumulang 1,244 galon ng nasabing produkto na nagkakahalaga ng P808,600.00.
Ayon sa ulat ni CIDG Director P/MGen. Robert Morico II, paglabag ito sa Republic Act 7934 o Consumer Act of the Philippines at Republic Act 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009, na nagbabawal sa pagbebenta at distribusyon ng health products na walang pahintulot ng FDA. Babala pa ng ahensya, mapanganib sa kalusugan ang paggamit ng mga hindi rehistradong produkto dahil hindi tiyak ang kalidad at kaligtasan nito.
Patuloy na pinaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na tiyaking nakarehistro sa FDA ang mga binibiling produkto upang makaiwas sa panganib na dulot ng mga fake and unregistered products.
Trending
- PBBM, ipinag-utos 3-month suspension sa terminal fees ng PUVs sa PITX
- Banta ng destabilisasyon dahil sa nangyari sa Senado, tinabla ng AFP
- CHED ipinagpaliban pagbawas ng GE units sa kolehiyo
- Villafuerte tinukuran hakbang ng gobyerno vs fake news, deep fake
- Lolo na illegal recruiter nalambat
- Truck nahulog sa bangin sa Quezon
- Ginang na bagong ligo nagsaksak ng bintilador, nangisay
- Lalaki huli sa P420K ‘paihing krudo’ sa Bulacan ops

