Umakyat na sa 30 ang bilang ng mga nasawi sa gumuhong gusali sa Angeles City, Pampanga nang marekober ang isa pang biktima nitong madaling araw ng Martes, Hunyo 9.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Central, ang bangkay ay nakuha mula sa collapse site 12:18 ng madaling araw.
Bago nito ay nakuha rin ang labi ng ika-29 na biktima mula sa guho.
Ang pinakahuling nakuhang biktima ay noon pang Sabado, Hunyo 6 ng 9:56 ng gabi sa nagpapatuloy na search, rescue, at retrieval operations.
Matatandaan na ang siyam na palapag na gusaling under construction ay gumuho madaling araw noong Mayo 24.
Trending
- Eala dapa kay Anisimova; akyat sa WTA No. 17 ranking
- Baterbonia, Adili inalala bago ang tapatan ng Ateneo Blue Eagles, Fatima Phoenix
- Michael V, may tribute kay Alex Eala
- Ina ni Awra, may breast cancer
- Priscilla, planong bumalik sa showbiz
- Kelot kumakatay at nagbebenta ng aso, arestado
- 3 sangkot sa pananaksak at ikinasawi ng estudyante
- Makapal, masangsang na likido kumalat sa baybayin ng Batangas

