Natagpuang patay ang tatlong trabahador sa loob ng stockroom ng isang tactical supply shop sa Barangay Campetic, Palo, Leyte nitong Miyerkules, Setyembre 16.
Kinilala lamang sa alyas na “Mae,” 23; “Nolly,” 28; at “Jan,” 26 ang mga biktima.
Batay sa paunang imbestigasyon, nawalan ng kuryente bago ang insidente kaya gumamit ng generator na inilagay umano sa loob ng stockroom.
Ayon sa Palo Municipal Police Station, isa sa mga tinitingnang posibilidad ang pagkalanghap ng carbon monoxide mula sa generator, lalo’t kulang umano sa bentilasyon ang lugar. Patuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy ang eksaktong sanhi ng kanilang pagkamatay.
Natagpuan ang tatlo nang puntahan ng kanilang mga employer nang hindi na sila sumasagot. Wala ring nakitang senyales ng sapilitang pagpasok sa lugar, ayon sa paunang pagsisiyasat.
Trending
- Filipinas vs Hong Kong
- Senado, sisilipin ang estado ng naturalized athletes
- Quezon, pinakamaraming nominasyon sa Urian; Vice, laglag!
- Liza, takaw-pansin sa MIFF sa US
- Kathryn at Mayor Mark, nagpapatayo na ng ‘lovenest’?
- UP, PUP students magwa-walkout vs korapsyon, budget cuts
- NCRPO full alert sa Sept. 21 rallies; higit 15,700 parak, ikakalat
- Immigration officer huling nagpapalusot ng recruit para gawing scammer
