Arestado ang 18-anyos na suspek at natunton din ang dalawang menor de edad na sangkot sa pananaksak sa 16-anyos na senior high school student sa Quezon City.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), nangyari ang insidente noong Agosto 13 sa labas ng isang bilyaran sa Quirino Highway, Barangay Pasong Putik Proper, kung saan nasangkot umano sa komprontasyon ang biktima at isang grupo at nauwi sa pananaksak.
Dinala sa ospital ang biktima nguni’t kalaunan idineklarang nasawi.
Agad namang nagsagawa ng follow-up operations ang Quezon City Police District (QCPD), na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas “Rei,” 18, sa kanyang tirahan noong Agosto 14.
Natunton din ng mga pulis ang dalawang menor de edad na umano’y konektado sa insidente. Ang isa ay natunton sa isang tirahan, habang ang isa naman ay boluntaryong isinuko ng kanyang mga magulang sa mga awtoridad.
Dadaan ang mga suspek para sa kaukulang legal na proseso kaugnay ng homicide, habang ang dalawang menor de edad ay ire-refer din sa angkop na youth facility para sa interbensyon alinsunod sa batas.

Share.
Exit mobile version