NASAWI ang tatlo katao sa magkakahiwalay na insidente sa Batangas mula gabi ng Sabado Agosto 8 hanggang madaling-araw ng Linggot Agosto 9, 2026, bunsod ng malakas na ulan, pagbaha at pagguho ng lupa epekto ng Bagyong “Luis”, “Maymay” at pinalakas na Hanging Habagat.
Sa Batangas City, nalunod ang 45-anyos na utility worker na si alyas Joey matapos tangayin ng malakas na agos ng ilog sa Barangay Talumpok Silangan habang sinusubukang kunin ang kanyang nahulog na backpack.
Sa Lipa City, nasawi naman ang 28-anyos na dishwasher na si alyas Mark, nang makuryente nang mahawakan ang isang streetlight pole sa Barangay Tambo. Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktima.
Patay din ang 69-anyos na construction worker na si Teodoro Benitez Latumbo matapos matabunan ng lupa at debris sa isang landslide sa Barangay Calumala sa bayan ng Sta. Teresita, Naantala ang pagdadala sa ospital sa biktima dahil sa matinding pagbaha.
Nagpaalala ang mga awtoridad sa publiko na manatiling alerto at agad lumikas kung kinakailangan, lalo na ang mga nakatira malapit sa ilog, mabababang lugar at mga lugar na mataas ang panganib sa pagbaha at landslide.
=====
Trending
- 3 patay sa leptospirosis sa San Lazaro Hospital
- 4 wanted tiklo
- Sibilyan empleyado ng SulKud PNP patay sa ambush
- Sekyu ‘di pinasweldo, hinostage ang menor kapitbahay
- 15 guro nasagip sa rumaragasang ilog
- Pulis putol kamay sa taga ng baliw
- Mag-asawa at anak natagpuang patay sa loob ng bahay
- Janine Gutierrez umaming niloko ng boylet
