Patay ang dalawang lalaking Moro nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Barangay San Jose, President Quirino, Sultan Kudarat, nitong Sabado ng umaga, Agosto 8.
Kinilala ang mga biktima na sina Mohammad Utap at Rohamin Bombolen, na kapwa nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.
Batay sa magkahiwalay na ulat ng mga lokal na opisyal at mga awtoridad ng Sultan Kudarat Provincial Police Office, naglalakad ang dalawang biktima sa isang residential area sa Purok Islam nang bigla silang pagbabarilin ng mga lalaking armado ng mga pistol.
Agad na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril, habang kapwa nasawi sa insidente sina Utap at Bombolen.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin at ang motibo sa krimen.
Nakikipagtulungan din ang mga opisyal ng Barangay San Jose sa pagkilala at pagtunton sa mga responsable sa pamamaril.
Trending
- 3 patay sa leptospirosis sa San Lazaro Hospital
- 4 wanted tiklo
- Sibilyan empleyado ng SulKud PNP patay sa ambush
- Sekyu ‘di pinasweldo, hinostage ang menor kapitbahay
- 15 guro nasagip sa rumaragasang ilog
- Pulis putol kamay sa taga ng baliw
- Mag-asawa at anak natagpuang patay sa loob ng bahay
- Janine Gutierrez umaming niloko ng boylet
