Naaresto ang isang babae sa Caloocan City sa pagkakasangkot sa online sexual exploitation sa dalawang menor de edad na umano’y kanyang mga anak.
Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Miyerkoles, isinagawa ang operasyon noong Hunyo 4 na nagresulta sa pagkakaligtas sa dalawang minor at pagkakaaresto sa suspek.
Nagsimula ang imbestigasyon matapos makatanggap ang NBI ng impormasyon mula sa Homeland Security Investigations (HSI) ng United States.
Natuklasan na isang Amerikanong lalaki ang umano’y nagpapadala ng pera kapalit ng pagpapalabas ng live online sexual abuse na kinasasangkutan ng dalawang bata.
Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Online Sexual Exploitation of Children (OSAEC) and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) Act.

Share.
Exit mobile version