Naaresto ang dalawang lalaking nangholdap sa isang babaeng rider sa Pier 6, Road 10, Tondo, Manila, nitong Martes ng madaling araw.
Kinilala ang biktima na si Patricia Lopez; at ang mga suspek kinilalang sina Moises Alpero aka Moymoy, 26; at Marlon Cabigting y Ortega, aka Sagiab, 37-anyos, at pawang residente ng JV Paz Compound, Brgy. 123 Tondo, Manila.
Iprinisinta kay Manila Mayor Isko Moreno ang dalawang naarestong suspek matapos ang matagumpay na ikinasang follow-up operations ng Manila Police District (MPD).
Ayon sa ulat, binabagtas ni Lopez ang kahabaan ng Road 10 patungong Moriones nang harangin ito ng dalawang suspek at hinablot ang kanyang cellphone, kinuha ang pera at tinangka pang saksakin ng isa sa mga humarang sa kanya.
Nakuhanan ng isang netizen ang pangyayari kaya kaagad na kumalat ito sa social media na naging dahilan ng agarang pagkakaaresto sa mga holdaper.
“Nagpapasalamat ako sa ating mga netizens sa kanilang pagiging vigilante para labanan ang mga kriminal sa lungsod at na-videohan ang mga tolonges na naaresto. Dahil sa mga netizens na ito napapadali naming gampanan ang aming tungkulin. Huwag kayong mag-alala at itatago namin ang inyong pagkakakilanlan at mga ibinigay na impormasyon sa amin.” wika ni Isko
“Habang kinakaharap natin ang krisis sa bansa, hindi dapat mawala na gawing ng pamahalaan lungsod ang kanilang mga responsibilidad sa kanilang mga nasasakupan, ang makapagbigay ng kapanatagan sa kanilang pamumuhay, at paninirahan,” dagdag pa ni Moreno.
Ipinahayag ni Isko na hindi man sila perpektong gobyerno maaaring makalagpas panandalian ang mga kriminal subali’t pipilitin ng pamahalaang lungsod ng Maynila na makapagbigay ng hustisya sa mga nabiktima ng mga ito.
Babala pa ni Isko sa mga tolonges, huwag ninyong subukin gumawa ng krimen sa Maynila dahil ilang oras lang huli na dahil may gobyerno sa Maynila.
Trending
- Kaila Estrada, Daniel Padilla wapakels pa rin sa mga viral photo na magkasama
- Julia Barretto aminadong nakadama ng pressure sa pagiging Barretto
- Ogie Alcasid ‘napikon’ kay Vice Ganda
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init
