Nasa 15 katao ang nasawi, 13 ang sugatan at 6 ang nawawala sa pananalasa ng Habagat sanhi ng bagyong Luis at Maymay ayon sa Philippine National Police (PNP).
“Our personnel on the ground has recorded a total of 34 casualties, 15 of whom are deceased, 13 injured at may nawawala pa pong 6. Of course this is still to be validated and officially announced by the OCD but ito po yung nakuha natin sa ground,” pahayag ni Col Allen Rae Co, PNP spokesperson.
Ayon kay Co, nakapagtala ng 2 nasawi sanhi ng pagkaluno at electrocution ang PRO Ilocos Region, 6 nasawi ang naitala ng PRO Calabarzon, 2 ang naitala nasawi ng PRO Cordillera Administrative Region.
Habang 11 katao ang naitalang sugatan at 2 ng PRO CAR at 2 naitala sugatan sa Calabarzon habang 5 katao ang naitalang missing sa CAR at 1 missing sa Calabarzon.
Aniya, mahigit sa 3,300 PNP personnel a specifically for this Habagat lamang to address yung mga pangangailangan dito sa Habagat more specifically sa ating search and rescue operations, sa pagtulong sa relief operations kasama natin ang iba’t -ibang ahensya, clearing operations again with other agencies and yun pong mga evacuation,
Samantala, sinabi ni Laurence Mina, OCD deputy administrator for operations, as of 10 a.m. nitong Lunes, nasa 384,520 families or 1,310,000 individuals ang apektado kung saan 16,130 families or 58,650 persons or individuals ang nanatiling sa 624 evacuation centers. Habang 11,360 families or 39,290 individuals ang nanunuluyang sa kanilang mag kamag-anak mula sa regions NCR 1, 2, CAR, 3, Calabarzon, Mimaropa, 5, 6, and Region 9.
Nasa 367 kabahayan ang napinsla kung saan 27 ang nawasak habang 340 kabahayan ang nasira mula sa Region 1, CAR 3 Calabarzon, Mimaropa at Region 6.
Umabot naman sa halagang P1.12 Billion ang napisala sa Infrastructure habang P 3.53 naman napisala sa agrikultura.
Sinabi ni Mina na patuloy ang isinagawang SAR operations or search and rescue operations ng pinagsanib na elemento ng AFP, PNP, BFP, at DPWH sa mga lugar na patuloy ang pagbuhos ng mga malalakas na pag-ulan
Trending
- 3 patay sa leptospirosis sa San Lazaro Hospital
- 4 wanted tiklo
- Sibilyan empleyado ng SulKud PNP patay sa ambush
- Sekyu ‘di pinasweldo, hinostage ang menor kapitbahay
- 15 guro nasagip sa rumaragasang ilog
- Pulis putol kamay sa taga ng baliw
- Mag-asawa at anak natagpuang patay sa loob ng bahay
- Janine Gutierrez umaming niloko ng boylet
